Ang Aking Mga Kayamanan

Posted on Updated on


Taon-taon bago ang aking kaarawan, nakasanayan ko ng halughugin ang baul ng aking kayamanan. Hindi nga lang siya gawa sa kahoy kundi sa plastic dahil isa syang Orocan box.

Ang aking mga tula at iba pang katha ang aking itinuturing na kayamanan. Mga akdang sumasalamin sa aking makulay na buhay bilang isang mag-aaral. Mula sa kuwento ng pakikipagpaligsahan sa buhay, sa unang pag-ibig at mga pagsubok sa pamilya at pagkakaibigan. Masalimuot man o masaya, ang sarap magbaliktanaw.

Nakakatawa. Nakakaiyak. Ano man ang maramdaman habang binabasa ang aking mga “Freedom Notebook”, tiyak na may kurot sa aking puso ang bawat pangyayaring aking naisulat. Mga aral sa buhay na sadyang humubog sa aking pagkatao.

Hindi ko tuloy maalis sa aking isipan ang isang matagal ng pangarap ang magkaroon ng isang aklat at mailathala ang aking mga kayamanan. Ilang beses ko ng sinubukan iayos ang mga ito ngunit di ko matapos-tapos dahil araw-araw may mga bagong kwentong nais kong maidagdag.

Ang aking napagtanto, naging masaya at makulay ang aking buhay. Marami mang pagsubok ang lumipas at aking dinanas, lahat naman sila ay aking nalagpasan. Ano man ang hirap na dumaan, nanatili ako ng matatag at masaya.

Maraming bagay ang hinding-hindi ko malilimutan ngunit dapat kong tanggapin at harapin upang ako’y makausad palayo at maipagpatuloy ang buhay.

Masarap mangarap. Masarap maging masaya. Kung hindi dahil sa mga bagyong dumaan sa aking buhay, hindi ako matututong mangarap at hindi ko malalaman ang kahulugan ng pagiging maligaya.

🙂

2 thoughts on “Ang Aking Mga Kayamanan

    maya said:
    July 18, 2010 at 9:39 PM

    hehehe..nagfb kana mare!!nice!apakatagalog ng iyong katha ah.3hrs nalang at iyo ng Kaarawan..hangad ko ang iyong lubos na kaligayahan,mula sa iyong mga mithiin sa buhay,sa iyong pamilya at sa iyong buhay pag ibig..isa kang henyo aking kaibigan!!nyahahaha..bukas luluhod ang mga tala!!hehehe..ano daw*hehe..labyah!see u tom..

    jhOy imPeRiaL responded:
    July 18, 2010 at 9:41 PM

    hahaha salamat pre😀 bukas…. hmmm… bukas… sisikat ang araw dahil ngayon ay gabi na hahhahaha see yah mwah tc😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s