Tumatanda Ka Na Kung…

Posted on Updated on


Here is a very interesting article posted in our forum.

Today’s morning rush top ten is very interesting and somewhat melancholic. I can’t help to reminisce those childhood memories i had.

Don’t hesitate to comment other things you missed doing or things you have when you were young.

  • kumakain ka ba ng aratilis at bubot na bayabas?
  • nagpipitpit ng gumamela para gawing soapy bubbles na hihipan mo sa binilog na tanggkay ng walis tingting?
  • pinipilit ka ba matulog ng nanay mo pag hapon at di ka papayagan maglaro pag di ka natulog?
  • marunong ka magpatintero, saksak puso,langit-lupa, teleber-teleber, luksong tinik?
  • malupit ka pag meron kang atari, family computer or nes?
  • alam mo ang silbi ng up, up, down,down, left, right, left, right, a, b,a, b, start?
  • may mga damit ka na U.S.E.D., Boy London , Cross Colors, Esprit, Blowing Bubbles at pag nakakakita ka ng Bench na damit eh naalala mo si Richard Gomez?
  • addict ka sa rainbow brite, carebears, my little pony, thundercats, bioman, voltes v, mazinger z, daimos, he-man at marami pang cartoons na hindi pa translated sa tagalog?
  • marunong ka mag wordstar at nakahawak ka na talaga ng 5.25 na floppy disk?
  • nung high school ka inaabangan mo lagi beverly hills 90210?
  • gumagam it ka ng AQUANET para pataasin ang bangs mo?
  • meron kang blouse na may padding kung babae ka at meron kang sapatos na mighty kid kung lalake ka?
  • nangongolekta ka ng paper stationaries at mahilig ka magpa pirma sa slumbook mo para lang malaman mo kung sino ang crush ng type mo?
  • kilala mo si manang bola at ang sitsiritsit girls?e si luning-ning at luging-ging?
  • idol mo si McGyver at nanonood kang Perfect Strangers?
  • eto malupet… six digits lang ba ang phone number nyo dati?
  • nakakatawag ka pa sa pay phone ng 3 bentesingko lang ang dala?
  • cute pa si Aiza Seguerra sa Eat Bulaga at alam mo ang song na “eh kasi bata”?
  • inabutan mo ba na ang Magnolia Chocolait eh nasa glass bottle pa na ginagawang lalagyan ng tubig ng nanay mo sa ref?
  • meron kang pencil case na maraming compartments na pinagyayabang mo sa mga kaklase mo?
  • noon mo pa hinahanap kung saan ang Goya Fun Factory?
  • alam mo lyrics ng “tinapang bangus” at”alagang-alaga namin si puti”?
  • sosyal ka pag may play-doh ka at Lego… at nag-iipon ka ng G.I. Joe action figures, at iba pa ang mukha ni barbie noon?
  • inabutan mo pa yung singkong korteng bulaklak at yung diyes na square?
  • meron kang kabisadong kanta ni Andrew E. na alam mo hanggang ngayon.. aminin?
  • laging lampin ang sinasapin sa likod mo pag pinapawisan ka?
  • bumibili ka ng tarzan, texas at bazooka bubble gum… tira-tira, at yung kending bilog na sinawsaw sa asukal?
  • takot ka dumating ang year 1999 dahil sabi nla magugunaw daw ang mundo?

KUNG HALOS LAHAT ALAM MO, WAG KA NA MAG DENY.. TUMAWA KA NA LANG…

DIBA .75 CENTAVOS PA LANG PAMASAHE SA JEEP NUN AT MAS MASARAP ANG MELLOW YELLOW KESA MOUNTAIN DEW?

9 thoughts on “Tumatanda Ka Na Kung…

    OMM said:
    January 8, 2009 at 2:03 PM

    “meron kang kabisadong kanta ni Andrew E. na alam mo hanggang ngayon.. aminin? ”

    this is so true… matanda na nga ako!

    oh my right now, andrew e is singing in my head… darn!

    jhOy imPeRiaL responded:
    January 8, 2009 at 2:09 PM

    yeah!! his classic songs like “Alabang girls”, “Humanap Ka ng Pangit”, “Huwag kang gamol” etc

    i remember back then, songs were available only in cassette format.

    tin2 said:
    January 8, 2009 at 2:22 PM

    hahaha!

    tunay nga ito! I’m getting old n nga! amf!😀

    ikaw din tumtanda na lol😛

    jhOy imPeRiaL responded:
    January 8, 2009 at 2:43 PM

    hehe hindi ah! kayo lang ni kuya romeo, ate yana, kuya drewl at iba pang mga ate kuya ko

    hahahahha

    Jhack said:
    January 8, 2009 at 3:23 PM

    * kumakain ka ba ng aratilis at bubot na bayabas? > Nah uh!
    * nagpipitpit ng gumamela para gawing soapy bubbles na hihipan mo sa binilog na tanggkay ng walis tingting? > gumamela, yes.. tanggkay ng walis? no way, jose!
    * pinipilit ka ba matulog ng nanay mo pag hapon at di ka papayagan maglaro pag di ka natulog? > yeah, but i don’t really follow (=
    * marunong ka magpatintero, saksak puso,langit-lupa, teleber-teleber, luksong tinik? > yes, except teleber-teleber.. ano un?
    * malupit ka pag meron kang atari, family computer or nes? > i don’t own any of those
    * alam mo ang silbi ng up, up, down,down, left, right, left, right, a, b,a, b, start? > as far as i know, makikita yun sa joystick ng nintendo
    * may mga damit ka na U.S.E.D., Boy London , Cross Colors, Esprit, Blowing Bubbles at pag nakakakita ka ng Bench na damit eh naalala mo si Richard Gomez? > Blowing Bubbles and Esprit, yes, but I don’t remember (just) Richard Gomez when talking about Bench noh, duh!
    * addict ka sa rainbow brite, carebears, my little pony, thundercats, bioman, voltes v, mazinger z, daimos, he-man at marami pang cartoons na hindi pa translated sa tagalog? > not really into Jap animated shows, laking Disney films ako eh!
    * marunong ka mag wordstar at nakahawak ka na talaga ng 5.25 na floppy disk? > what’s 5.25 floppy disk? yung sinaunang disk na malaki? if so, then yes. we still have that kinda computer at home.
    * nung high school ka inaabangan mo lagi beverly hills 90210? > nope
    * gumagam it ka ng AQUANET para pataasin ang bangs mo? > nope
    * meron kang blouse na may padding kung babae ka at meron kang sapatos na mighty kid kung lalake ka? > guilty!
    * nangongolekta ka ng paper stationaries at mahilig ka magpa pirma sa slumbook mo para lang malaman mo kung sino ang crush ng type mo? > yes to stationaries and slumbook, no to “crush” thing
    * kilala mo si manang bola at ang sitsiritsit girls?e si luning-ning at luging-ging? sa batibot yun lahat!
    * idol mo si McGyver at nanonood kang Perfect Strangers? > nope
    * eto malupet… six digits lang ba ang phone number nyo dati? > oo 36-22-84! san ka pa?! =p
    * nakakatawag ka pa sa pay phone ng 3 bentesingko lang ang dala? nope
    * cute pa si Aiza Seguerra sa Eat Bulaga at alam mo ang song na “eh kasi bata”? yes, i was friends with Lady Lee before as well.. haha! she even greeted me and my cousin sa Eat Bulaga dati ampotek! =p
    * inabutan mo ba na ang Magnolia Chocolait eh nasa glass bottle pa na ginagawang lalagyan ng tubig ng nanay mo sa ref? > not really sure
    * meron kang pencil case na maraming compartments na pinagyayabang mo sa mga kaklase mo? > i used to but i don’t really like them. i like the simpler ones
    * noon mo pa hinahanap kung saan ang Goya Fun Factory? > nope
    * alam mo lyrics ng “tinapang bangus” at”alagang-alaga namin si puti”? > i had no idea
    * sosyal ka pag may play-doh ka at Lego… at nag-iipon ka ng G.I. Joe action figures, at iba pa ang mukha ni barbie noon? > i have Legos until now, and yes, we have like 10 barbies at home (8 girls, 2 boys)
    * inabutan mo pa yung singkong korteng bulaklak at yung diyes na square? > YES
    * meron kang kabisadong kanta ni Andrew E. na alam mo hanggang ngayon.. aminin? > wala!
    * laging lampin ang sinasapin sa likod mo pag pinapawisan ka? > nope
    * bumibili ka ng tarzan, texas at bazooka bubble gum… tira-tira, at yung kending bilog na sinawsaw sa asukal? > nope
    * takot ka dumating ang year 1999 dahil sabi nla magugunaw daw ang mundo? > nope

    Ayos Ba? (=

    jhOy imPeRiaL responded:
    January 8, 2009 at 3:27 PM

    @jhack, wow career ang comment!🙂

    Lysender said:
    January 8, 2009 at 6:26 PM

    Ako naabutan ko ang texas at bazooka bubble gum😀
    Matanda na talaga ako, hayyy…..

    yoshi said:
    January 9, 2009 at 10:34 AM

    wahaha putsa inabutan ko yung .75 na pamasahe ah hahaha tanda na yata ako ahha

    jhOy imPeRiaL responded:
    January 9, 2009 at 10:43 AM

    lol

    1.50 na ang pamasahe nung pede na akong magcommute.

    pero kwento ng parents ko 0.75 may softdrinks at banana-Q ka na…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s